Lundayan ng Pangarap para sa mga Batang Domaget

60+ batang Domaget sa Gabaldon ang walang permanenteng lugar-aralan sa kanilang komunidad. Ang dati nilang learning space ay nasira ng bagyo. Nagtatayo kami ng Lundayan ng Pangarap—isang typhoon-resistant pavilion para tuloy-tuloy ang edukasyon anuman ang panahon.

60+

Batang Domaget

₱250k

Estimated Budget

100%

Typhoon-Proof

Summary ng Proposal

Naniniwala kami na ang isang maaliwalas, tahimik, at kaaya-ayang lugar ay may kapangyarihang magbukas ng isip at mangarap ang isang bata. Ang Lundayan ng Pangarap ay hindi lamang isang lugar para magbasa o gumawa ng takdang-aralin. Isa itong munting espasyo kung saan maaaring pansamantalang iwan ng mga bata ang kanilang mga alalahanin at responsibilidad sa bahay upang makapagpokus sa pagkatuto at sa kanilang mga pangarap.

Ipinapakita ng proposal na ito ang inisyatiba na magtayo ng permanente, typhoon-proof, at theft-proof na espasyo gamit ang matibay na kongkreto. Kung may sapat na budget, gagamitin din ito bilang isang multipurpose area para sa mga mitingan ng bahayan, workshops, at pagtitipon ng buong komunidad.

Sino ang mga Domagat?

  • Formal na Pangalan: Domaget ang pormal at tamang tawag sa kanila. Ang target natin na komunidad ay ang pinagsama-samang tribo ng Edimala, Tagubulos, at Kabullowan na nakaayon sa wikang ginagamit nila.
  • Nanganganib na Wika: Ang Edimala ang pinakamatanda at pinakamalalim na wika, ngunit iilan na lamang sa Dupinga ang nakakaalam nito. Hindi na ginagamit ang katutubong wika sa pang-araw-araw na pamumuhay at hindi na rin ito alam ng bagong henerasyon.
  • Kasalukuyang Tirahan: Tinatawag silang "Dumagat ng Dupinga" dahil nakatira sila dati sa gilid ng Ilog Dupinga. Lumipat na sila sa bahayang pinatayo ng LGU na humigit-kumulang 2 km ang layo mula sa ilog.
  • Kabuhayan: Pangunahing pinagkukunan nila ng kita ang pagpaparenta ng mga cottages sa mga turistang namamasyal at naliligo sa ilog. Marami rin sa mga ama ang nagtrabaho sa hydro power dam na umukit sa mga bundok tabi ng ilog. Ngayong tapos na ang dam, kani-kaniyang hanap na sila ng trabaho sa construction, pagmumuot ng mga bato sa ilog para sa landscaping, at pagtatanim o nakiki-ani sa bukid.
  • Mga Kasalukuyang Hamon: Kumpara sa ibang Domaget, pinakamadaling puntahan ang komunidad ng Dupinga dahil pinakamalapit ito sa highway at sa mga paaralan ng mga "Tagalog" (hindi Domaget). Dahil dito, sila ang pinakamadalas puntahan ng tulong, na nagdulot ng dalawang malaking epekto:

    1. Dole-out Mentality: Nasanay sa mga relief/tulong kaya hindi sanay maglaaan para sa bukas.
    2. Pagkawala ng Identidad: Hindi na napapahalagahan ang kanilang kultura at nawalan sila ng identity, na para bang nakalutang sa kasalukuyan.

Edukasyon Bilang Solusyon

Edukasyon lang ang solusyon, at ang bagong henerasyon ang dapat tutukan. Bagamat 99 percent ng mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, unti-unti nang nabubuksan ang mata ng komunidad sa halaga ng edukasyon.

  • Pag-unlad ng mga Estudyante: Noong 2020, 11 bata lamang ang pumapasok sa elementarya. Dahil sa operasyong DagDag-Baon, umakyat ito sa 60+ na bata noong 2024!
  • Honor Students: Ngayon, sampu sa mga batang ito ay honor students na.
  • Pagpapatuloy ng Suporta: Kailangang ipagpatuloy ang suporta sa pag-aaral ng mga bata at patuloy na i-involve ang mga magulang at buong komunidad. Habang minumulat ng edukasyon ang mata ng komunidad, mas pahahalagahan din nila ang kanilang sariling pagkakakilanlan at kultura.

Ang Solusyon: Lundayan ng Pangarap

Ang disenyo ng Lundayan ng Pangarap ay inspired sa Ilog Dupinga—ang totoong tahanan ng mga Domaget. Note sa Structural Integrity: Ang mga design features ay conceptual blueprint pa lang at ipapa-review muna sa isang licensed architect o structural engineer bago simulan ang construction.

Ang Lundayan ng Pangarap ay dinisenyo para maging theft-proof at weather-proof, para laging bukas sa mga bata 24/7. Narito ang mga pangunahing features:

  • Multipurpose Design: Bukod sa pagiging study area, nakadisenyo rin ito para magamit bilang multipurpose area para sa mga pagtitipon, mitingan ng bahayan, at workshops ng komunidad kung may sapat na budget.
  • Kabuuang Sukat: Ang roof ay 6.20m ang lapad at 2.80m ang lalim, at may height na 3.60m (2.30m na clear height sa ilalim para presko at malaya ang pasok ng hangin).
  • Exposed Concrete Furniture: May fixed study table (5.00m x 0.60m) at dalawang bench na naka-anchor sa foundation. Dahil mabigat, hindi ito mananakaw o aanurin ng baha. May nakabaon ding Hero River stones sa ibabaw ng lamesa para aesthetic at pasok sa nature vibe ng Ilog Dupinga.
  • Lokal at Natural Materials: Gagamit ng 4 na matibay na concrete columns. Lalagyan din ng pebbles mula mismo sa Ilog Dupinga ang lapag para maganda ang ugnayan nito sa kalikasan.
  • Typhoon-grade na Bubong: Gagamit ng pre-painted corrugated G.I. sheets at steel tubular frames para siguradong hindi liliparin ng bagyo.
  • Solar-powered Lighting: Maglalagay ng mga solar wall lights (warm white) sa paligid para maliwanag pa rin kung gusto nilang mag-aral sa gabi.
  • Welcome Marker: May malaking karatula na "TAHANAN NG MGA DOMAGET sa Ilog Dupinga - LUNDAYAN NG PANGARAP" sa harapan para i-proudly represent ang komunidad.

Expected Impact

  • 60+ Children Served: Magagamit ng 60+ na kabataang Domaget.
  • Open 365 Days/Year: Laging bukas at pwede nilang magamit araw-araw.
  • Evening Study: Posible na ang pag-aaral sa gabi dahil sa nilagay na solar lighting.
  • Multipurpose & Community Hub: Ligtas na lugar para sa mitingan ng bahayan, workshops, at pagtitipon ng komunidad.
  • Tutoring & Scholarship Activities: Sentro para sa peer mentoring at mga scholarship activities.
  • Disaster-Resilient Gathering Place: Matibay at ligtas na masisilungan lalo na kung masama ang panahon.

Pagpapatupad at Sustainability

Kahit na ipapaubaya natin ang construction sa mga professionals para safe at pulido, priority pa rin natin ang kumuha ng local workers mula sa komunidad para makatulong din sa kanila financially.

Pagkatapos maitayo ang pavilion, ang komunidad na ang bahala mag-alaga dito. Ang 10 aktibong scholars at honor students ang magiging leaders para magturo at magbigay inspirasyon sa iba pang 50+ na bata, para sustainable at long-term ang epekto ng project na ito.

Budget Breakdown (₱250,000 PHP)

Para masiguradong matibay at safe ang pavilion, nakabase ang budget na ito sa current hardware prices at lokal na bayad sa labor. Inuna natin ang matibay na pundasyon ng kongkreto at bakal.

Note: Pwede pang bumaba ang gastos kung may mga in-kind donations (X-deals) sa mga materyales tulad ng semento at bakal.

KABUUANG BUDGET

₱250,000 PHP

Kumpleto, structurally sound, solar-powered, at typhoon-proof na facility.

Kategorya Paglalarawan Halaga
Foundation & Masonry Semento, buhangin, graba, at hollow blocks para sa matibay na slab at mga upuan. ₱50,000
Steel & Reinforcement Rebar at tie wires na kailangan para sa malalim na footings ng mga poste panlaban sa bagyo. ₱25,000
Typhoon-Grade Roofing Makakapal na G.I. sheets, C-purlins, at roof framing. ₱40,000
Labor & Construction Fees Tamang sahod para sa skilled foreman, masons, at mga laborers (~3 weeks na gawaan). ₱75,000
Solar Power System Off-grid DC solar setup (panel, battery, controller, LED lights, 12V na fans). ₱15,000
Community Signage Materyales at paggawa para sa matibay na landmark sign ng Tribong Domaget. ₱10,000
Logistics & Transport Hakot ng mabibigat na materials at solar equipment paakyat sa Gabaldon. ₱15,000
Contingency Fund ~8% safety buffer para sa mga price changes, delays sa panahon, o aberya sa site. ₱20,000

Media Gallery

Silipin ang komunidad ng mga Domaget at ang masasayang ngiti ng ating mga kabataan.

Lundayan ng Pangarap Blueprint

Opisyal na Design: Lundayan ng Pangarap

Komunidad ng Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget
Kabataang Domaget

Sino Kami

Kami ay isang inisyatibang direktang nakikipagtulungan sa komunidad ng mga Domaget sa Ilog Dupinga, Gabaldon. Hindi ito proyekto ng isang malaking organisasyon o foundation. Ito ay isang community-led effort na pinagbuklod ng aming iisang layunin na makatulong sa pamamagitan ng volunteer work.

Sa pamumuno ni Delfin Ilao sa inisyatibang Operasyon DagDag-Baon, na higit anim na taon nang bumibisita at sumusuporta sa edukasyon ng mga bata, napagdesisyunan naming simulan ang proyektong ito nang makita ang pangangailangan ng komunidad para sa isang permanente at ligtas na lugar-aralan. Ang kanyang katuwang sa proyektong ito ay si Nica Vinuya, isa ring volunteer. Kasabay nito, nakikipagtulungan din kami sa iba't ibang organisasyon at mga volunteers na may parehong bisyon upang tulungang maisakatuparan ang proyektong ito.

Paano Makakatulong ang mga Partners at Supporters

Naghahanap kami ng mga donors, civic organizations, at mga professionals para matulungan kaming tuparin itong ₱200k–₱250k na project—mapa-financial support, material donations, o pag-volunteer ng oras mo:

💸

Financial Contributions

  • Kahit Magkano, Laking Tulong Yan: Bawat piso ay mahalaga! Kahit ₱500 pang-basic supplies o mas malaki para sa solar setup at labor, makakarating yan diretso sa edukasyon ng mga bata.
  • Full o Partial Project Sponsorship: Para sa mga companies o pamilya na gustong sumagot sa buong cost ng pavilion o magbigay ng partial sponsorship, pwede kaming maglagay ng permanenteng plake o marker sa istruktura bilang acknowledgment sa inyong kabutihang-loob.
🧱

In-Kind Donations (X-Deals)

  • Construction Materials & Equipment: Welcome na welcome ang mga X-deal at materyales! Kung makakapag-donate kayo ng semento, hollow blocks, bakal, yero, o solar panels, malaking tipid ito sa budget at mapapabilis ang construction.
🤝

Oras at Kaalaman (Volunteers)

  • Pro-Bono Architects & Structural Engineers: Kailangan namin ng mga licensed professionals para i-review ang blueprint namin para 100% safe, typhoon-proof, at maaliwalas ang pag-aaralan ng mga bata.
  • Construction & Site Volunteers: Open din kami sa mga individuals o teams na gustong tumulong sa physical build! Kahit na mga skilled workers ang gagawa ng mabibigat, pwede kayong tumulong sa site prep, pagpipintura, at pag-set up ng solar equipment.